I put all my shit here. All my stupid thoughts. My random posts that may seem irrelevant to others. I post it ALL HERE. This is where I am free. I am myself here. This is the REAL ME here.
a guy got some good vibes

May crush kasi ako. I don’t know if he’s from Faculty of Pharmacy or College of Nursing. Basta what I know is that he wears a white polo with two pockets then black slacks. Kasi halos magkaka-parehas lang uniform ng mga science-related courses sa UST. Nakakalito tuloy xD

Kwento ko kung pano ko siya naging crush. Mala-A Crazy Little Thing Called Love ang ganap ko. Pero di ko pa talaga nakikilala itong crush ko. I DON’T EVEN KNOW HIS NAME! GRABE! 

Sobrang Nam lang ng character ko. CHOS! Pero di kami same ng beauty. Hindi naman kasi ako kagandahan kahit walang nagtatanong kasi sarili ko lang naman kausap ko dito. Yung natu-tuliro. Ganon. Nakakahiyaaaa.

Anyways, una ko siyang nakita sa Shakey’s Espana. 2nd yr pa yun, magtatapos na ang 1st sem. So malamang, magse-2nd sem na yun. HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Birthday yun ng dalawa kong blockmates. 

Naghahanap kasi ako ng gwapo. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa at tingin sa likod. Tingin sa kung saan-saan. Sabi ko pa sa friend ko, “Girl, hanap tayo ng gwapo.” Tapos ayun nga, tingin tingin din sa paligid pero wala akong nakita. Sabi ko, “Girl, mukhang wala namang gwapo dito! Ang bummer naman!” :(

Pero ang tadhana, mapaglaro talaga. Nasa harap ko lang pala ang hinahanap ko. Sabi ko sa blockmate ko, “Uy girl, mukhang may gwapo dun sa table na kaharap natin o! Girl tignan mo yung naka-big eyeglasses na may malalim na dimples! Ang haba nung dimples! Kaso baka yukogenic.” Kumakain kasi siya nun nung pinagmamasdan namin siya.


Sabi nung friend ko, “Uy, mukhang gwapo nga ah! Tignan nga natin kapag hindi na nakayuko.” 

Tapos nung hindi na siya nakayuko, DIOS MIO!

“Tignan mo! GWAPO SIYA! Chinito!”, sabi ko sa close friend ko.

“Hmmmm, alam naaaa!” sabi naman ng blockmate ko na yun.

Tapos hindi ko na siya tinigilan tignan. 

Nung tapos na sila kumain at tumatayo na sila isa-isa, sabi ko sa sarili ko, Ay aalis na sila?

Nung pagtayo niya, napansin siya kagad nung kaklase kong bakla! 

Binubulungan ko nga yung close friend ko, “Girl tignan mo, mapapansin yan nung blockmate nating bakla! Ayan! Tignan mo, pinag-uusapan na nila yung kanina nating pinag-uusapan!”

Sabi nung bakla kong blockmate, “Uy, GWAPO YUN O! YUNG NAKASALAMIN!”

Tapos bulungan at tawanan na yung iba naming babaeng blockmates. Yung expression na alam niyo yung, kapag ang babae nakakita ng gwapo, KIKILIGIN KAGAD? YUNG GANONG EXPRESSION ANG BAKAS NA BAKAS SA MGA MUKHA NILA!

Pero I have to agree na, OO GWAPO TALAGA! :”> (sabi ko sa sarili ko)

Nilandi pa nga iyon nung kaklase kong bading. Kunwari nilaglag niya yung kaniyang kutsara tapos tinignan niya ng malagkit yung crush ko. HINDI NAMAN AKO NAG-SELOS! IN FACT, NATAWA PA KO! GAGA TALAGA TONG BLOCKMATE NAMING BAKLA! HANGLANDEEEE!

Anyways, hanggang sa paglabas tinitigan namin siya. TINITITIGAN KO SIYA. Sabi ko pa, “Kailan ko kaya siya ulit makikita?”

Ang tagal ko siyang di nakita. After nun, sem break na syempre. Finals week kasi yun e. Magse-second sem na. MY WORST SEM EVER (at feeling ko there’s more ‘worst sem’ to come and I hope I’ll overcome).

Siguro mga 2-3 months ko siyang di nakita. Then, nung 2nd sem na, may small meeting kami for our marketing project. E gusto nung groupmates ko, sa McDo na lang mag-usap usap. THEN, DOON KO SIYA NAKITA. Hindi ko siya napansin nung una kasi naghahanap talaga kami ng upuan na good for 8 persons, kaya wala siya sa isip ko nun. Preoccupied ako sa paghahanap ng mauupuan. Then, nagulat ako, HE’S COMING CLOSER. Yung tinayuan nila, dun pala kami uupo. As if we’re waiting nalang for them to finish. Dalawa lang sila nung guy friend niya. Nakita ko siya face to face, as in tiningala ko siya. TINIGNAN KO TALAGA SIYA. SOBRANG CLOSE NAMIN NUN. I mean, ibang meaning ng close. WHAT I MEAN IS YUNG SPACE between US. KILIG :”> 

Sabi ko pa sa isa kong groupmate, “Uy, yun yung crush nung blockmate nating bading o!”

“Asan?” Sadly, hindi nakita nung groupmate ko yung crush ko :(

Simula nun, lagi ko na siyang naiisip :”>

Mga last week ng January yun, I’m sure =)

Then nung Feb. 12, ETO TALAGA E. ETO YUNG CLIMAX. Kasi, ubos yung mga jeep na pumaparada sa Lacson. Tapos nagulat ako, NAKITA KO SIYA!

Sabi ko dun sa close blockmate ko, “Girl, eto yung crush ko! Taga-pharma ata siya?”

“Asan?” sabi nung friend ko.

Eto o! Yung nakaputing uniform na matangkad!”

Ay, di ko nakita!” PUNYETA TALAGA ‘TONG CLOSE FRIEND KO. ANG SLOW NG MATA!

ANG LAKING GULAT KO, SUMAKAY SIYA SA JEEP! O_O

Same jeep na sinakyan namin!

Uy, sumakay siya sa jeep!” sabi nung close friend ko.

E ang dami namin nun. Kasi magma-market kami for Meal Ma Lab. 

On our way to SM San Lazaro. 

Nagulat ako, tinukso-tukso ako nung close friend ko. NA-KARMA AKO E. :|

Now you know the feeling! Lakas mo kaya manukso!” sabi nung close friend ko. Lagi ko kasi syang inaasar in front of her crushes!

Deadma lang ako. PERO RAMDAM KO NATATAWA SIYA SAKIN :| AT NAKATINGIN SIYA SAKIN KASI NGA PINAGTATAWANAN NIYA KO. 

At eto pa! Yung isa kong friend, let’s name her Cesa. Si Cesa, mag-aabot ng bayad. Ang swerte niya kasi naka-holding hands niya yung crush ko! I’M SO INGGIT! LANDEH!

Tinignan ko yung kamay ni Cesa, at si crush ang nag-abot ng bayad! Tinignan ko yung kamay ni crush. Tapos etong si Cesa sabay banat ng “SORRY CHE AH!”

“Hindi okay lang.” natatawang sabi ko. 

Magka-row kasi si Cesa at si crush. So big sabihin I’m in opposite row kay Cesa at crush, pero di sila magkatabi. Mejo malayo si crush pero kitang-kita pa rin ako. Siya lang mag-isa, wala siyang kasama nun. 

Tapos usap-usap kami konti ng mga blockmate ko.

Sabi nung isa kong close friend, “Uy, nakatingin na talaga dito!” 

Inilingan ko lang close friend ko. Let’s name her, mayi! =) 

Feb 12, 2013 yun. Tuesday. Yun yung araw na nakita ko si Jessica Sanchez in person. <3 

Nung feb 14, 2013. Valentine’s Day. Nakita ko rin si crush kaso di niya ko napansin! Di kasi ako naka-uniform nun. Ewan ko lang :( Di kasi ako maganda e :( 

Nung IPEA Week, feb 18, 2013. Nanonood kami nun ng basketball kasi required. TAPOS NAKITA KO NANAMAN SI CRUSH. Sa seminary gym :”> 

Every monday kasi PE ko. Di ko ine-expect na Monday din pala PE niya :”> 9-11 din =) Table Tennis. no. 45. STALKER MUCH NO? 

Naghahanap nanaman kasi ako ng pogi. May nakita ako, hawig niya nga e. Taga-Archi. Pero sabi ko, mas gwapo pa rin si crush :”> 

NAGULAT AKO! KATABI PALA NI CRUSH YUNG TAGA-ARCHI! JUSKO! NAKITA KO SIYA SA PERIPHERAL VISION KO! Bumilis talaga tibok ng puso ko! Hindi ako nagkakamali! SIYA TALAGA! 


Para nga siyang natatawa everytime na makikita niya ako. Nakakatakot lang kasi parang he’s not gonna take me seriously. Baka bastusin niya lang ako or something. Pero kinikilig ako sa ginagawa niya kasi parang mukha siyang interesado sa ginagawa ako. OKAYYYY, KAHIT HINDI NA SYA SAKIN INTERESADO! Baka sabihin niyo at sabihin niya ang feeler ko na masyadoooo :”> 

Nahiya ako! Naglabas ako ng notes galing sa bag, at YUMUKO LANG AKO ALL THE TIME. Ayokong tumingin sa kaniya! OBVIOUS AKO MASYADO! NAGBA-BLUSH AKO E! Kunwari, nag-aaral daw ako! CHOS! 

Tapos di kalaunan, umalis din sila :( AWWW. Hindi na niya ko nilingon nung umalis sila :( Tinignan ko siya ulo hanggang paa. Di naman siya mataba, hindi rin payat. Sakto lang. Maputi siya, makinis tapos may katangkaran. Hindi ko lang matancha height niya. Nahiya nga ako sa legs niya e. Maganda para sa lalaki, pero hindi naman sobrang feminine nung features nung legs niya pero maganda yung legs niya for a guy (paulit-ulit?!). Nahiya tuloy ako, ang laki kasi ng legs ko e :(  Isa yun sa mga insecurities ko :(((

Huli ko siyang nakita march 8, 2013. Friday. Natandaan ko masyado no? 

Pumasok ako ng late nun. Magtu-2pm na nun. Tapos syempre naglalakad ako galing Dapitan, papuntang building namin. Habang tinitignan ko ang isang couple from Eng’g na nasa harapan ko na nagho-holding hands, nakita ko nanaman siya sa peripheral vision ko! Feeling ko galing siyang main building at kakalabas lang niya galing sa klase. Dalawang guy friends niya ang kasama niya. He’s wearing a neon orage Jansport bag. Papunta siyang Dapitan, ako naman papuntang Lacson galing Dapitan SOOOO, NAGKASALISI KAMI KAYA NAG-KRUS ULIT ANG AMING LANDAS! Ang drama! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! 

AT PARANG NATATAWA NANAMAN SIYA SAKIN :| Hindi ko nga alam kung interesado siya sakin o natatawa lang siya sakin kasi alam niyang may crush ako sa kaniya. Ewan ko ba :( 

Bakit kaya ganon? :( Pero kiliiig :”> Ang gulo e no? 

Yun na yung last na kita ko sakaniya. Sana lagi ko siyang makita sa magiging sched ko this sem para madagdagan mga inspiration ko sa pag-aaral =) MAG-AARAL TALAGA AKONG MABUTI. I’LL NOT ONLY PASS BUT I’LL BE EXCEPTIONAL. I’LL BE OUTSTANDING. 

Sana magkita pa ulit kami at makilala ko siya. Ang masama nun, FEELING KO, FIRST YEAR LANG SIYA at incoming sophomore lang siya :( E, incoming 3rd yr student na ko :(((( T_T LASLAS! Bakit? Magiging kami ba? Makapag-drama ako e no? Ni hindi ko nga alam name niya! xD 

Ano ba yan, mas matanda pa ko sa kaniya :( Sana magkasing age kami no? Kahit magka-birthday kami okay lang. Mas gusto ko kasi yung mas matanda sakin e :P O kahit magkasing edad na sige :P 

Sa lahat kasi ng gwapong nakita ko sa UST, siya yung good vibes. Yung iba, GWAPO LANG. Pero makakalimutan ko rin after, wala, pampabusog lang ng mata :P Pero siya IBA E. Ewan ko xD 

Malay mo, siya na nga! Pero ayoko umasa, masakit e. Unti-unti na ngang nawawala yung crush ko e. Napopogian na lang ako sa kaniya. 

Kaya nga gusto ko siyang makilala para makita kung siya na nga ba o hindi? 

Hindi kinaya e

Long time no post! Na-miss ko ang tumblr ko! Na-miss kong mag-vent out ng feelings and thoughts. So ayun. Hindi ko kinaya ang title ng post ko. Natanggal kasi ako sa Dean’s Lister this sem, with a sem ave. of 1.768. Hindi na masama, hindi lang talaga umabot at hindi ko lang talaga kinaya. Hindi naman ako nalungkot, kaso, NANGHINAYANG AKO. Iba pa rin kapag tinawag kang CONSISTENT DEAN’S LISTER. Pero okay lang. This could be a wake-up calling from God na I should do better and do my best in everything that I do. Nitong sem kasi, I just gave up.

Sabi ko sa sarili ko, “Wala na akong pake kung hindi na ko DL, as long as matapos lang talaga ‘tong sem na ‘to HAPPY NA KO. Pumasa na lang, OKAY NA, MALIGAYA NA KO.” 

Kaya expected ko na yung pagkaalis ko sa DL. Kaya nga hindi ako na-depress e. Sobrang nanghinayang lang.

This is a life-changing lesson for me. Mabilis akong nakahanap ng inspiration. Nakakita ako ng sem ave na 1.038 (yes, pang Summa cum Laude ang sem ave niya) and puro UNO ang grades niya sa lahat ng subject except sa isa niyang subject na SOBRA NAMANG PANIRA. Galing siyang UST, Faculty of Engineering. Isa siyang graduate na IT student.

And, kung iniisip niyong may gusto ako sa kaniya, I HAVE TO POINT OUT NA BAKLA SIYA. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA =))))) 

Balak kong gayahin ang grades niya sa last two years ko bilang isang college student. 

Instead na ma-depressed ako sa pagkaalis ko sa DL at hindi na ko kailanman matatawag na CONSISTENT DEAN’S LISTER, I’ll do my best talaga sa last four semesters ko. Incoming 3rd yr student na ko. Ang bilis. Parang dati, freshmen lang ako =) 

Nag-iba na rin ako ng goals. Nung freshmen ako at wala pa akong kaalam-alam sa UST, ang goal ko lang is to graduate on time. Nung 1st yr 1st sem, ang goal ko makapasa lang. Naging DL ako nung 1st sem na yun. Nung 2nd sem, ang goal ko ay maging DL ulit. Naging DL ulit ako. Nung 2nd yr, 1st sem, ang goal ko ay maging Cum Laude at sa tingin ko kaya ko naman siya kung mame-maintain ko yung grades ko, lalo na yung GWA. Nung 2nd yr, 2nd sem, ang goal ko aymaging Consistent Dean’s Lister, which I FAILED TO DO SO.

Kaya ang goal ko this sem hanggang sa matapos ako ng college is to be MOTHER OF ONE. Nanay ng mga uno. UNO SA LAHAT <3 Wala. Trip kong gayahin yung taga-Eng’g e. 

Kaya sana kayanin ko yun. Baka hindi lang cum laude ang maabot ko. May possibility akong grumaduate ng Magna cum laude. I WILL TRY MY BEST.

One must see failure as a form of motivation. Don’t be frustrated, be motivated.”

I kinda miss reblogging pictures about fashion =) I blog, not a photo blogger though. My original posts are mostly text posts =) 

Bagong PE nanaman para sa panibagong sem. Nararamdaman ko, matatagpuan ko na yung crush ko dito. Pero sana friends kame :”> TANGINA. LANDE!

Feelingn ko nga, puro taga-Eng’g yung mga boys sa PE ko e <3 Sanaaa! Pero ayokong mag-expect! Tska sana taga-Commerce na din or Archi xD 

Tapos alam mo ba, yung blockmate ko na half-Chinese, kapag tinatawag niya yung nickname ko, ALL SMILE TALAGA SIYA? :”> CUTE CUTE NIYA. HEMERGERD. 

Lagi siyang ganito sa classroom. “Hi, *insert my nickname here*!” 

Ako naman, “Hi *insert his name here!*”

Medyo nerdy type siya. Sobrang secretive niya pero makakausap at nakakausap mo naman siya. Di tulad nung suplado kong kaklase nung grade 1. Baka nga, ka-PE ko nanaman siya e! DON’T TELL ME. PUTCHA LANG. Awkward talaga siya.

Alam mo ba, nung nalaman kong sobrang kinis niya at ang puti-puti niya pa rin, sobrang gumuho ang self-esteem ko. Na-torpe ako e. Nahiya na akong lumapit at kausapin siya. 

Nung kumuha nga ako ng tubig para refillan yung bottle ko, papasok na ko sa room nun for PE (last sem pa ‘to ah. Ngayon ko lang naalala). Nagulat ako, nakita ko siya, papasok pa rin. JUSME. NAGTITIGAN AS USUAL. Lagi ko nga siyang nakakasabay sa FX pero di ko talaga siya pinapansin. Minsan nga, iniisip ko, baka ako na yung problema e. BAKA NARARAMDAMAN niya MAILAP ako sakaniya.

If ever man na ka-PE ko nanaman siya, kakausapin ko na talaga siya =) 

Pero alam mo, nung nakasama ko siya sa PE ko last sem, alam kong may katangkaran siya, sakto lang yung katawan niya (pero pumayat siya nung nagpalagay siya ng braces, di bumagay :(((…) maputi, makinis, may itsura, tapos ang pula talaga ng lips niya girl! Sobrang ayoko na siyang kausapin kasi nahihiya talaga ako sa itsura ko. Pero nung nakasama ko nga siya, alam mo, ANG LONER NIYA. Kahit pogi siya, di talaga siya pansinin. Nalaman ko na, LAMANG MAN SIYA SA ITSURA, MAS LAMANG NAMAN PERSONALITY KO SAKANIYA! CHOS!

Sabi nga ni Tyra Banks, “Personality shines the best.” 

Next time, if ever MERON man =) 

Pero gusto ko talaga siya kamustahin syempre! Pero di na ko kabado unlike dati =) 

Iba-iba rin trip ko e no! =) Nakakatawang isipin na, di ako makatulog kakaisip sa kaniya dati. Akala ko nga in-love na ko e. Di pala. Siguro, gustong-gusto ko lang siya kamustahin kasi ang tagal naming di nagkita.

Natatandaan ko, ang huling pagkikita namin ay sa SM Marilao. Siguro mga grade 5 pa kami nun. Nagtitigan lang din kami. PUNYEMAS! Ano bang meron sa titigan na yan?! xD LAGI NALANG. Paulit-ulit nalang. 

Oh well, dun sa suplado kong kaklase nung grade 1, ang gusto ko lang talaga makamusta siya.

Pero ngayon, ang gusto ko, mag-HI sakin yung half-Chinese kong blockmate! :”> 

mutikoree:

Follow Mutikoree for more!
Self-conscious
May kakilala ako na sobrang conscious siya sa sarili niya. Actually si Mai ‘to, yung close blockmate ko. Hindi naman siya ganon dati :( Nagbago siya. Hindi ko alam kung in-love ba siya or she’s just envious kasi madami talagang magaganda sa amin or maybe na-realize niya na kailangan yun sa field ng trabaho na papasukan niya.

I keep on telling her na it’s not all about the looks although it’s a major factor kasi appearance or physical attributes leaves the ‘first impression’. 

Sabi ko sakaniya, “Matalino ka naman ah. Matataas naman grades mo.” 

Gusto ko sabihin sakaniya, “Lahat naman ng tao may chance mag-improve.”

Tapos she keeps on asking me about ugly things about herself. Pangit daw yung eyes niya. Sobrang singkit at sobrang sharp daw. Wala daw siyang talukap, maikli daw yung pilik-mata niya. Ang laki daw ng waistline niya, hindi daw siya maganda, ang taba daw ng mukha niya, ang itim ng tuhod niya, ang pangit ng paa niya, ang pangit ng legs niya, pangit daw kamay niya panglalaki daw and all that stuff. 

Aminado ako, baduy siya manamit, pero mag-diet lang siya ng konti, lalo siyang gaganda. Maganda naman kasi talaga siya e. Baduy lang talaga. Hindi niya lang kaya i-carry yung sarili niya. Wala naman kasi sa itsura yan e =) 

P.S. Crush na crush yata talaga niya yung long lost childhood friend niya and first crush niya daw yun =)

May blockmate ako, ang cute cute talaga niya. Naging crush nga din siya ng close friend ko e. Matalino pa siya, tamad lang. :”> Naka-eyeglasses siya tapos half-Chinese siya =) Hindi siya katangkaran, sakto lang =) 

Kasi ganito yan, nung enrollment, hinihintay namin ng lola ko yung order namin. Nasa greenwich ako nun. E nagbabayad pa ang lola ko sa cashier, kaya ako lang naiwan mag-isa dun sa table. Table for 2 naman siya =) 

Tapos bigla silang dumaan. Nag-smile siya. Tapos siya yung una kong nakita sa grupo nila. Sabi nila, “Uy si *insert my name* oh!”

Siya pa nga yung nagtanong kung, “Mag-isa ka lang?” 

Sabi ko, “Ha?”

Inulit niya ulit, “Mag-isa ka lang jan?”

Sabi ko, “Hindi, may kasama ako.” *smiles*

Sabi niya, “Una na kami ah.” Sabay-sabay silang kumaway at nagba-bye.

Sabi ko, “Sige!” Ngumiti ako at kumaway din pabalik.

Hindi ko alam kung bakit pero kinilig talaga ako nun :”> SAGAD TEH! 

Ewan ko kung nagfi-feeling ako pero CONCERN SIYA SAKEN. SHET, AYOKO NA :”> 

SANA CONCERN SIYA SAKIN.

Pero may crush yun e, chicks talaga yung crush niya. Beauty and brains. Atenista dre =) Di bale, cute na cute lang naman ako sa kaniya e. 

YUN. YUN LANG =) Makapag-share lang =) 

Let’s face it. If you’re not pretty then life is going to be harder for you. People say that personality matters the most and I agree, but the world is shallow. The people who are lucky enough to be born good looking will always be one step ahead. Sucks but that’s the truth.

(Source: carry-on-x)

Erm, may girlfriend nga pala yung long lost childhood friend niya na yun, BY THE WAY =)